Tinawag ni Representative Jil Bongalon na isang desperadong hakbang at publicity stunt ang pagtatangka ng kampo ni Vice President Sara Duterte na harangin sa Korte Suprema ang pag-usad ng impeachment case.
Aniya, gumagawa na lamang sila ng palabas para maantala ang proseso at mapigilan ang Senado na magsagawa ng paglilitis kung saan sisiyasatin ang mga ebidensya laban sa kanya.
“In their utter desperation, the Vice President’s camp is throwing the proverbial kitchen sink to stop the inevitable—for the Senate to commence trial and for the public to finally see the overwhelming and damning evidence against her,” ani Bongalon.
Tiniyak ni Bongalon na ang impeachment complaint ay nakasunod sa lahat ng mga constitutional requirements para sa paglilitis sa Senado.
“The Constitution sets clear and basic requirements for an impeachment complaint to move forward: it must be filed by at least one-third of the House of Representatives, verified, have the votes of each member recorded, and cannot be initiated more than once within a one-year period,” ayon kay Bongalon.
Sinabi pa ni Bongalon na mas maigi na direkta na lang harapin ng Bise Presidente ang mga akusasyon laban sa kanya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes