Nagpahayag ng pakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa mga naapektuhan ng pagbagsak ng eroplano sa Barangay Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur kahapon.
Ayon sa PNP, ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pangunahing ahensya na nangangasiwa sa imbestigasyon ng insidente.
Gayunpaman, tiniyak ng PNP na magbibigay ng buong suporta ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BARMM) sa pamamagitan ng pagtulong sa search, rescue, at recovery operations.
Nanawagan ang PNP sa publiko na iwasan ang mga haka-haka at hayaang matapos ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.
Matatandaang apat ang patay matapos bumagsak ang private plane kabilang ang US military serviceman at talong defense contractor sa Brgy. Malatimon, Ampatuan Maguindanao del Sur kahapon. | ulat ni Diane Lear