Binigyan ng medalya ang sugatang magiting na Pulis Maynila matapos itaya ang kanyang buhay para gampanan ang kanyang tungkulin.
Si Pat Ruel Hernandez ay rumesponde sa iligal na drag race sa Malate, Manila noong February 25.
Matapos makorner ang suspek, imbis na sumuko ang suspek sinagasaan nito ang pulis.
Sa hostipal, mismong si NCRPO chief PBGen Anthony Aberin, kasama si MPD Director PBGen Arnold Ibay ang nabigay ng medalya at tulong pinansyal.
Ayon kay General Ibay Mahalaga na bigyan ng pagkilala ang mga pulis, tulad ni Pat Hernandez para ipakita ang suporta ng pambansyang pulisya sa katulad nilang nagpamalas ng kabayanihan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. | ulat ni Don King Zarate