Tinuligsa ng Trade Union Congress of the Philippines ang Manila Electric Company (MERALCO) dahil sa pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero.
Naghayag ng pagkadismaya ang labor group sa kabila na hindi pa naipapatupad ng utility company ang ipinag-uutos na pag refund sa mga consumer ng aabot sa P16-B.
Sa kabila anila na naghihirap ang mamamayan dahil sa mataas na gastusin, nagawa pa ng MERALCO na magtaas ng singil sa kuryente.
Sa ulat ng MERALCO, may pagtaas ng P0.3845/kwh sa generation charge dahil tumaas ang gastusin sa Independent Power producers (IPPS) at Power Supply Agreements (PSAS).
Dahil sa adjustments na ito, lahat ng residential customer na kumokonsumo ng 200 kwh ay may pagtaas ng hanggang P57.00 sa kanilang monthly bill. | ulat ni Rey Ferrer