Inihayag ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na naglaan ng Kongreso ng halagang ₱40.5 bilyon ngayong taon para sa subsidyo sa matrikula ng mga estudyanteng mahihirap na nag-aaral sa mga pribadong high school.
Ito ay dahil sa kakulangan ng mga pampublikong paaralan ng Department of Education (DepEd) sa ilang mga komunidad habang ang ibang eskwelahan naman ay siksikan na.
Ayon kay Rillo, na miyembro ng House Committee on Appropriations, ang pondo ay bahagi ng 2025 national budget.
Para sa breakdown
- ₱27.02 bilyon – Senior High School Voucher Program (SHSVP)
- ₱12.07 bilyon – Junior High School Educational Service Contracting Program (JHSESCP)
- ₱1.41 bilyon – Joint Delivery Voucher Program (JDVP)
Ayon kay Rillo, patuloy ang kanilang pagtutok sa pagpapanatili ng mga kabataan sa paaralan sa pamamagitan ng subsidiya mula sa gobyerno, lalo na para sa mga galing sa pamilyang mababa ang kita.
Dagdag pa niya, makikinabang hindi lamang ang mga estudyante, kundi pati ang mga pribadong paaralan na hirap sa operasyon nitong mga nakaraang taon. | ulat ni Melany V. Reyes