Binigyang halaga ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay ang kahalagayan ng early childhood care sa bansa.
Sa kanyang pagbisita sa Quezon province sa ikalawang bahagi kanyang Calabarzon sortie, sinabi ng alkalde na maihahalimbawa nila ang mga kabataan ng Makati.
Dito ay ibinahagi ni Binay ang natatanging daycare program ng Makati na naging susi sa mahusay na performance sa National Achievement Test (NAT) para sa 2023-2024.
Aniya, pagdating sa Grade 3 ay magaling nang magbasa ang mga bata dahil sa preschool pa lamang, alaga na sila sa educational materials mula sa lungsod.
Batay sa ulat ng Department of Education, nahigitan ng Makati public schools ang regional at national average scores sa NAT na nilahukan ng Grade 6 students, sa lahat ng assessment areas at subjects.
Samantala nakapulong din ni Binay ang ilang local chief executives at si Quezon Rep. Mark Enverga kung saan napagusapan n ang pagsasaayos ng mga prayoridad sa pagba-budget ng pondo para maipatupad ang programang libreng gamot. | ulat ni Melany Reyes