Personal na inihatid ni Cong. Jocelyn Limkaichong ang mga kahon ng relief goods para sa mga residente ng Canlaon City na apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Laman ng mga donasyon ang hygiene kits, diapers, gatas at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ginamit pambili ng relief items ang donasyon mula sa Association of Women’s Legislators Federation Inc. ng House of Representatives.
Nagpasalamat din ang lady solon sa naunang tulong pinansyal ng Kaya Natin Movement for Good Governance and Ethical Leadership na ginamit naman pambili ng monggo beans at isda.
Nangako ang mambabatas na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa LGU ng Canlaon para makapagpaabot ng kinakailangan tulong sa mga residente nito. | ulat ni Kathleen Forbes