Arestado ang isang pasahero sa NAIA Terminal 3 matapos mahulihan ng hindi dokumentadong bala sa gitna ng umiiral na Election Gun Ban.
Kinilala ang nasabing pasahero na isang 28-anyos na lalaki matapos matagpuan ang apat na piraso ng 9mm na bala sa kanIyang bagahe sa Final Security Screening Checkpoint.
Ayon sa Office for Transportation Security (OTS), napansin ng X-ray operator ang imahe ng mga bala, kaya’t isinailalim sa manual inspection ang bag ng pasahero.
Dahil wala siyang maipakitang legal na dokumento, agad siyang inaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Terminal 3 Police Station para sa karampatang kaso sa ilalim ng Republic Act 10591 at Batas Pambansa Blg. 881.
Nagpaalala si PBGEN Christopher Abecia ng AVSEGROUP sa publiko na maging maingat sa mga dalang gamit, lalo na ngayong may Election Gun Ban, dahil kahit isang piraso ng bala ay maaaring mauwi sa pagka-aresto. | ulat ni Lorenz Tanjoco