Bumaba ang bilang ng mga lugar na itinuturing na “election areas of concern” ng Commission on Elections para sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Randulf Tuaño, mula sa 403, bumaba sa 385 ang mga lugar na kabilang sa kategoryang ito sa buong bansa.
Paliwanag niya, ito ay matapos magsagawa ng validation ang Regional Joint Security Control Center sa nakalipas na dalawang linggo.
Samantala, nananatili sa 39 ang naitalang insidente na may kaugnayan sa halalan, kung saan 11 rito ang kumpirmadong election-related incidents.
Iniulat din ng PNP na naging mapayapa at walang naitalang insidente ng karahasan sa unang araw ng kampanya para sa mga lokal na kandidato. | ulat ni Diane Lear