Muling na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagbuga ng abo ng bulkang Kanlaon sa Negros.
Sa monitoring ng PHIVOLCS, dalawang beses na nagbuga ng abo ang bulkan na tumagal ng halos 14 minuto.
Bukod dito, naitala rin ang 10 volcanic earthquakes o pagyanig sa bulkan.
Aabot din sa 2,365 tonelada ang sulfur dioxide flux sa bulkan.
Habang walang patid pa rin ang pagsingaw sa bulkan na napadpad sa kanluran-timog-kanluran at timog-kanluran.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert level 3 sa Mt. Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa