Dumalo si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa 10th Raisina Dialogue upang talakayin ang seguridad sa Indo-Pacific, ASEAN, at Quad.
Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng ASEAN sa pagpapanatili ng kapayapaan at kooperasyon sa rehiyon.

Pinagtibay rin ni Manalo ang paninindigan ng Pilipinas sa rule of law at rules-based international order, lalo na sa isyu ng South China Sea.
Aniya, mahalaga ang diplomasya sa pagresolba ng sigalot nang hindi isinasakripisyo ang pambansang interes.

Dinaluhan ng mga opisyal mula Thailand, Japan, South Korea, at Australia, tinalakay sa panel ang lumalawak na seguridad sa Indo-Pacific at ang papel ng mga pandaigdigang alyansa.
Ang Raisina Dialogue ay isang taunang pagpupulong sa India, nagtitipon ang mga lider upang talakayin ang mahahalagang isyu sa seguridad, ekonomiya, at pandaigdigang relasyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco