Hindi tumitigil sa pagbibigay ng tulong ang pamahalaan sa mga apektado ng nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Batay sa ulat ng Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC), pumalo na sa P214 milyong ang naipamahaging tulong kabilang na ang food at non-food items
Tinatayang nasa mahigit 2,600 pamilya o katumbas ng mahigit 8,000 indibidwal ang pansamantala pa ring nanunuluyan sa may 22 evacuation centers sa rehiyon ng Negros.
Dahil dito, sumampa na sa mahigit 12,600 pamilya o katumbas ng mahigit 48,500 indibiduwal ang apektado ng pag-aalburoto ng bulkan.
Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon, kaya’t nananatiling mapanganib ang pagbalik sa mga apektadong lugar. | ulat ni Jaymark Dagala