Pumalo na sa 4,830 ang bilang ng mga barangay na nagbi-benepisyo na sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP) ng pamahalaan, simula 2021 hanggang 2025.
Ang programang ito ng pamahalaan ang inisyatibo ng NTF-ELCAC upang tuluyang mapaunlad at hindi na muling ma-impluwensyahan ng CPP-NPA-NDF ang mga komunidad, lalo na iyong mga pinaka-liblib na lugar.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NTF – ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. na bago matapos ang 2028, nasa higit 3, 000 barangay pa ang target masilbihan ng pamahalaan.
“For the regular BDP natin, we are happy to note from the President himself that he would sustain the implementation of the Barangay Development Program because this is our commitment to those barangays that were formerly influenced by the CPP-NPA-NDF.” —Torres.
Aniya, sa ikapitong executive committee meeting ng NTF-ELCAC, kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw (March 26) nakakuha ng commitment ang kanilang hanay mula sa mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan, lalo na sa usapin ng pagpo-pondo sa programa. | ulat ni Racquel Bayan