Nilinaw ng Manila Police District na walang nangyaring hostage taking sa Delpan, Divisoria kanina.
Ayon sa MPD Station 2, away pamilya ang nangyari sa pagitan ng dalawang magkapatid na muntik magkasaksakan.
Paalala ng MPD, wag basta maniniwala sa mga pinopost sa social media.
Habang pinapayuhan ang publiko na bago magpost sa social media ay tiyakin muna ang detalye para hindi makalikha ng tinatawag na unnecessary fear sa publiko.
Sa ngayon nasa MPD Station 2 na ang 2 magkapatid na muntik magkasaksakan na sinamahan ng kanilang nanay habang nagpapatuloy ang imbistigasyon. | ulat ni Don King Zarate