Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 59,602 ang bilang ng mga pulis na ipinakalat sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsisimula ng kampanya ng mga lokal na kandidato at pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes, March 28.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol Randulf Tuano, nananatiling nakataas ang heightened alert status ng pulisya dahil sa mga aktibidad na idadaos kaugnay sa mga lokal na kampanya.
Ayon kay Tuano, ipakakalat din ng PNP ang mahigit 15,000 na pulis para mapaigting ang police visibility sa mga matataong lugar. Pinagaaran din aniya ang pagde-deploy ng mobile patrol kasama na rito ang motorcyle patrol, foot patrol, at traffic assistance.
Sinabi rin ni Tuano na magkakaroon ng 10 pro-Duterte rally sa Davao ngayong Biyernes, base sa impormasyon mula sa Police Regional Office 11 bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ng dating Pangulo.
Ito ay naasang dadaluhan ng mahigit 8,000 mga taga-suporta ng dating Pangulo. | ulat ni Diane Lear