Pormal nang binuksan ngayong araw ang Marine Exercise 2025 sa punong tanggapan ng 1st Marine Brigade sa bayan ng Barira, Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ni Army’s 6th Infantry “Kampilan” Division Commander, MGen. Donald Gumiran ang naturang pagsasanay kasama ang MAREX 2025 Director na si BGen. Romulo Quemado II.
Ayon sa 6th ID, kasamang magsasanay ng mga tauhan ng 1st Marine Brigade ang nasa 200 miyembro ng US Marines katuwang ang mga yunit mula sa Joint Task Force Central.
Tampok sa pagsasanay ang Tactical Communication, Light Armor Infantry Operation Fires Observer/Controller, Tactical Logistics, jungle survival, jungle patrolling and practical application.
Gayundin ang Combat Marksmanship Program, Amphibious Assault, Mechanized Infnatry Operation at Joint Litoral live-fire exercise.
Tatagal ang naturang pagsasanay hanggang sa Abril 11 bilang paghahanda na rin sa nalalapit na BALIKATAN 2025. | ulat ni Jaymark Dagala