Inirekomenda na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapabilang sa Barangay Development Program (BDP) ng mga barangay na dating ng nasa ilalim ng impluwensya ng local terrorists group, tulad ng Abu Sayyaf, Daula Islamiya, at BIFF.
Sa kasalukuyan kasi, tanging ang mga barangay pa lamang na dati nang na impluwensyahan ng CPP-NPA-NDF ang pasok sa programang ito ng NTF-ELCAC.
“It was the decision of the Executive Committee this morning to include those 280 barangays that were previously influenced by those local terrorist groups that I’ve mentioned now cleared by them and then puwede na pong ipasok sa BDP Program.” —Torres.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Executive Director Ernesto Torres Jr. na ang hakbang na ito ng executive committee na ipabilang sa programa ang mga cleared na mga barangay na ito, mula sa impluwensya ng local terrorist, ay bilang pagtalima lamang sa commitment ng Marcos Administration sa pagpapaunlad ng mga komunidad, lalo na iyong mga nasa liblib na lugar. | ulat ni Racquel Bayan