Nagsagawa ng clearing operations ang MMDA Special Operations Group sa Tondo.
Layunin ng operasyon na maalis ang mga iligal na nakaparada at iba pang obstruction sa kalsada, tulad ng tambak ng kung anu-anong gamit, illegal vendors, at iba pa.
Mula sa R10, Tondo, inikutan ng clearing operation ang Mariones, Dagupan, Capulong, at C3.
Sa ngayon, inaantay pa ang kabuuang bilang ng mga natikitan dahil sa mga paglabag.
Una nang sinabi ni Gabriel Go, pinuno ng MMDA Special Operations Group, na hindi maiiwasang magkaroon ng sagupaan sa kanilang operasyon, lalo na kapag may mga tumututol at nakikipag-away sa mga awtoridad. | ulat ni DK Zarate