Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang magiging epekto sa daloy ng trapiko ang ikinasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA simula ngayong araw hanggang sa Miyerkules.
Ayon sa MMDA, ito ay dahil sa tiwala silang marami pa ring sumusuporta sa PUV Modernization program ng pamahalaan ang tuloy sa pamamasada at paghahatid serbisyo sa mga kababayan.
Gayunman, sinabi ng MMDA na sakaling kailanganin ay may nakaantabay pa rin silang mga sasakyan katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan para mag-alok ng “Libreng Sakay.”
Katunayan, nagpulong ngayong araw sina MMDA Chairperson, Atty. Don Artes at Transportation Secretary Vince Dizon upang bantayan ang sitwasyon sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. | ulat ni Jaymark Dagala