Nakahanda ang mga awtoridad sa kilos-protesta ng transport group na Manibela laban sa PUV Modernization Program.
Ayon sa NCRPO, nagpakalat sila ng 8,152 pulis simula ngayong araw upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.
Kasama rito ang Civil Disturbance Management teams at mga tauhan sa pangunahing lansangan, transport terminals, at matataong lugar.
Nakahanda rin ang Reactionary Standby Support Force para sa anumang posibleng insidente.
Bukod dito, magtatalaga ng mobile at foot patrols upang mapanatili ang seguridad at agarang pagtugon sa anumang sitwasyon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NCRPO sa mga lokal na pamahalaan para sa posibleng transport assistance sa mga maaapektuhang commuter.
Giit ni NCRPO Chief PBGen Anthony Aberin, iginagalang nila ang karapatan sa mapayapang protesta ngunit pinaalalahanan ang lahat na sumunod sa batas at iwasan ang anumang gulo. | ulat ni Lorenz Tanjoco