Welcome development para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na taasan ang subsistence allowance ng mga Sundalo sa P350 mula sa dating P150.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, matagal nang tinalakay at naaprubahan ang umento sa subsistence allowance at sa katunayan ay nakapaloob na ito sa Pambansang Budget para sa taong kasalukuyan.
Binigyang diin pa ni Padilla na ang kanilang patuloy na pagsusulong sa kapakanan ng mga Sundalo ay patunay lamang ng kanilang pangako na itaguyod ang well-being ng mga ito.
Lalo na aniya ang mga Sundalong nasa frontline gayundin ang pagkilala sa kanilang mahalagang papel upang tiyakin ang seguridad ng bansa.
Dagdag pa ni Padilla, nananatiling prayoridad ng AFP ang pagbibigay ng nararapat na suporta para sa kanilang mga tauhan dahil ang kanilang lakas at kahandaan ay siyang kanilang ambag sa pambansang seguridad.
======
“The adjustment in our subsistence allowance has long been discussed and was approved as part of the GAA CY 2025. Our continuous efforts to ensure the welfare of our personnel reflects our commitment to strengthening the well-being of our troops, especially those who serve on the frontlines, recognizing the vital role they play in safeguarding our nation.
Providing adequate support to our personnel has always been a priority, as their strength and readiness directly contribute to national security and resilience.”, ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla. | ulat ni Jaymark Dagala