
Nakasuot ng uniporme ng Philippine Coast Guard si Auxiliary Vice Admiral and First Lady Marie Louise Araneta – Marcos nang dumalo siya sa turnover ceremony ng M/V Amazing Grace sa South Harbor Manila ngayong araw, March 18.
Ang M/V Amazing Grace ay ibinigay ng Philippine Red Cross sa Philippine Coast Guard (PCG) para mas mapalakas pa ng PCG ang kapasidad sa medical at humanitarian assistance lalo na sa mga remote areas.
Sa tulong ni First Lady Liza, nakatanggap ang PCG ng 2 inflatable boat mula sa Grab Philippines.
Ibinida sa First Lady ang kakayanan ng $88 milyong na barko na maaring makadaong sa mababaw na katubigan tulad ng beach.
May kapasidad din ang barko na magsakay ng maraming tao at kagamitan na makakatulong sa disaster response at relief operations.
Samantala, binigyan din ng SpaceX ang PCG ng 100 unit ng Starlink para sa tuloy-tuloy na komunikasyon kahit sa mga isolated area. | ulat ni DK Zarate