Kinilala ang Philippine National Police (PNP) bilang top government withholding agent ng Revenue District Office 40 sa isinagawang BIR 2025 RR7A Tax Campaign Kick-Off.
Layon ng taunang tax campaign na ipaalala sa mga taxpayer ang tamang paghahain ng income tax return at hikayatin silang magbayad bago ang itinakdang deadline.
Bukod sa PNP, kinilala rin sa aktibidad ang mga top individual at non-individual taxpayers, tax-paying media personalities, tax advocates, at iba pa.
Si Police Brigadier General Ross C. Alvarado, director ng PNP Finance Service, ang naging kinatawan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, sa naturang awarding ceremony.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PNP Chief Marbil na buo ang suporta ng PNP sa tax collection efforts ng gobyerno dahil ito ay direktang nakatutulong sa kapakanan at seguridad ng ating bayan.
Tiniyak ng PNP na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng good governance at transparency, hindi lang sa larangan ng law enforcement kundi pati na rin sa pagtulong sa ekonomiya ng bansa. | ulat ni Diane Lear