Papayagan na ang paggamit ng Summer Special Set of Uniform ang mga Private Security Personnel na naka-deploy sa outdoor areas.
Ito ang inihayag ng Philippine National Police – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) kasunod na rin ng babala ng Department of Health (DOH) at PAGASA sa panganib na dulot ng matinding heat index o damang init.
Layon nito ayon sa SOSIA na maprotektahan ang mga Private Security Personnel mula sa matinding init na maaaring magdulot ng heat exhaustion at heat stroke.
Gayunman, pinapayuhan ang Private Security Service Providers na kailangang humingi ng Letter of Authority bago gamitin ang summer uniform na sasailalim naman sa pagsusuri ng Uniform and Equipment Board bago gamitin.
Binigyang diin pa ng SOSIA na ang paggamit ng naturang uniporme ay mananatili lamang hanggang bumalik sa normal level ang heat index. | ulat ni Jaymark Dagala