Ipapatupad na ng Philippine National Police ang mas mabilis at hassle-free na pagkuha ng lisensiya sa baril.
Ito’y sa pamamagitan ng bagong repormang ipatutupad ng Firearms and Explosives Office ng PNP.
Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, ang bagong sistema ay naglalayong magbigay ng mas ligtas, mas mabilis, at mas madaling proseso para sa mga responsableng gun owner.
Ang bagong sistema ay naglalaman ng mga advanced na seguridad at mga feature tulad ng anti-malware protection, web reputation monitoring, activity tracking, device control, at two-factor authentication.
Bukod dito, naglunsad din ng mga regional kiosk installations, integration sa National Police Clearance System, at isang user-friendly mobile app, upang mas mapadali ang proseso.
Sinabi ni Marbil , ang mga repormang ito ay nagpapakita ng commitment ng PNP sa digital transformation at public service excellence.
Magugunita na noong Mayo 16, 2024 nang mangyari ang cyber attack sa ginagamit na system ng PNP-FEO na nagpakita ng mga kahinaan ng dating sistema. | ulat ni Rey Ferrer