Mananatiling nakaantabay ang Quezon City Police District (QCPD) para tumugon sa ikatlong araw na nationwide transport strike ng grupong MANIBELA.
Ayon sa QC LGU, magbabantay pa rin ang nasa 450 personnel nito sa mga pangunahing lugar kung saan inaasahang may kilos-protesta.
Handa rin itong umalalay sakaling kailangangin ng augmentation ng QC LGU partikular sa deployment ng “Libreng Sakay” at patuloy na mino-monitor ang mga apektadong ruta.
Hinihikayat ng QCPD ang publiko na manatiling kalmado, maging matiyaga, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang ligtas at maayos na sitwasyon sa kalsada. | ulat ni Merry Ann Bastsasa