Nagpaalala si Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga manggagawa na maging maingat sa pagganap ng kanilang trabaho sa gitna ng nararanasang sobrang init ng panahon ngayon sa maraming bahagi ng bansa.
Ipinunto ni Go na ang sobrang exposure sa init ay maaaring magdulot ng seryosong health conditions gaya ng heat stroke, heat cramps, at iba pa.
Iminumungkahi ng mambabatas na magkaroon ng flexible working arrangement para sa mga empleyado, lalo na sa mga naka-duty sa labas, upang mabawasan ang exposure sa matinding init.
Bukod sa labor sector, nanawagan rin ang senador sa education sector na magpatupad ng adjustments upang matugunan ang sobrang init na temperatura.
Kung maaari aniya ay magpatupad na lamang ng online learning upang maisaalang-alang ang kalusugan ng mga estudyante. | ulat ni Nimfa Asuncion