Patuloy ang maigting na kampanya ng Southern Police District (SPD) laban sa kriminalidad matapos nitong maitala ang pinakamababang bilang ng index crimes sa buong National Capital Region Police Office (NCRPO) mula Marso 8 hanggang 14.
Sa loob ng isang linggo, pito lamang ang naitalang index crimes sa SPD—at lahat ng ito ay agad na nalutas.
Ayon kay SPD District Director Police Brigadier General Manuel Abrugena, patunay ito ng epektibong pagpapatrolya, intelligence-driven operations, at pakikipagtulungan ng pulisya sa barangay at komunidad.
Hinikayat ng SPD ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Lorenz Tanjoco