Eksaktong 4:21 PM idineklara nang fire out ang sunog sa Aguirre St., Tondo, Maynila.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula sa abandonadong gusali na, ayon sa mga residente, ay imbakan ng mga kariton. Kumalat ang sunog sa katabing residential area.
Aabot sa P1.3 milyon ang pinsala sa ari-arian, habang nasa 20 pamilya naman ang nawalan ng bahay.
Samantala, dalawa ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang 30-anyos na fire volunteer na nasugatan sa kanang daliri habang ginagampanan ang tungkulin.
Kanina, kalmado na ang lahat dahil wala nang apoy na nakikita, pero biglang may bumagsak na salamin sa katapat ng nasunog na gusali.
Sugatan ang isang 58-anyos na lalaki matapos tamaan ng bubog sa noo. | ulat ni DK Zarate