Makikiisa ang tinatayang 35,000 hanggang 37,000 katao sa campaign rally ng mga kandidatong senador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ngayong gabi dito sa East Bloc Nuvali, Sta. Rosa City, Laguna.
Inaasahan ang pagdating at pagsuporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa nasabing aktibidad.
Kasalukuyang dinaragsa na ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar dito sa Lalawigan ng Laguna ang kampanya.
Ayon kay Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas, hindi ito ang kaunahang pagkakataon na nagdaos ng campaign sortie ang mga kandidato ng administrasyon. Kampante ang alkalde na susuportahan ng mga Lagunense ang kampanyang ito ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. | ulat ni Tom Alvarez – RP1 Lucena