Inaprubahan ng World Bank ang pautang na aabot sa humigit-kumulang $950-M upang suportahan ang mga proyekto sa transportasyon at kalusugan sa Pilipinas.
Ayon sa pahayag ng multilateral lender, inaprubahan ng Board of Executive Directors nito ang dalawang proyekto na naglalayong pagandahin ang konektibidad ng transportasyon at serbisyo sa kalusugan sa Mindanao at mga probinsyang may mababang kakayahan.
Kabilang dito ang Mindanao Transport Connectivity Improvement Project na nagkakahalaga ng $454.94-M, kung saan isasailalim sa rehabilitasyon at pagpapabuti ang 428.2-kilometrong pangunahing kalsada na nag-uugnay sa Cagayan de Oro, Davao, at General Santos.
Inaprubahan din ng WB ang $495.6-M Philippines Health System Resilience Project, na susuporta naman sa healthcare networks climate-resilient, at pagpapahusay ng high-quality health services sa mga lalawigan
Ayon kay World Bank country director for the Philippines Zafer Mustafaoglu, komited ang WB na suportahan ang Pilipinas sa pagkamit ng inclusive growth upper middle-income country. | ulat ni Melany Reyes