Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group – Bulacan ang dalawang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na kataka-takang nakalabas mula sa Bulacan Provincial Jail.
Kinilala ang mga nahuli na sina Abdua Arajalon, isang detainee na may kasong murder, at Mario San Jose Jr., na may kasong homicide.
Bukod sa dalawa ay naaresto rin ang jail guard na si Tee-Jay Jimenez, jail personnel ng Bulacan Provincial Jail at ang babaeng si Sarah Wahid na asawa ng presong si Tee-Jay Jimenez.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang mga baril at bala, at isang Toyota Hilux na may Plate No. DBP 4088.
Ayon sa CIDG-Bulacan, walang dalang authorization mula sa korte ang jail guard para malakabas ng kulungan kasama ang dalawang preso na pawang mga sangkot sa mga kasong pagpatay.
Target ngayon ng malalimang imbestigasyon ang mga naaresto upang malaman kung sangkot ba sila sa mga krimen o ginagamit ng mga pulitiko upang makagawa ng krimen sa Bulacan at mga kalapit na probinsya.
Batay sa record ng Bulacan PPO, mayroon nang ilang mga kaso ng ambush at mga pagpatay sa Bulacan bago pa ang panahon ng eleksyon.
Kabilang na rito ang pagpatay kay Board Member Ramil Capistrano at driver nito na si Shedrick Suarez na in-ambush noong October 3, 2024 sa Barangay Ligas, Malolos City, Bulacan. | ulat ni Rey Ferrer