Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr., ang kahandaan nito sa pagtugon sa kalamidad kasunod ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Ayon sa AFP, aalalay sila sa pagsasagawa ng clearing operations gayundin ang paghahatid ng mga pangangailangan ng mga evacuee.
Batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), aabot sa 8,000 evacuees ang nananatili sa 22 evacuation centers sa Negros Occidental.
Nakapagtala ng ash fall sa Brgy. Cubay sa La Carlota City kung saan, matinding amoy ng asupre ang bumabalot doon. Magugunitang kahapon, April7, nagpahayag ng kanilang kahandaan ang Army’s 3rd Infantry Division na tumugon sa kalamindad matapos ang naging pagbisita ni Brawner sa Murcia, Negros Oriental. | ulat ni Jaymark Dagala