Panibagong babaeng pasahero ang inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) na papaalis sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos makunan ng apat na bala ng baril sa kanyang bagahe.
Sa final screening checkpoint nakita ng mga tauhan mula sa Office for Transportation Security (OTS) ang isang imahe na kahawig ng mga bala sa loob ng isang dilaw na backpack.
Sa isinagawang umanong inspeksyon, na isinasagawa ng mga opisyal ng Mactan-Cebu International Airport Police Station (MCIAPS), kung saan natuklasan ang apat na mga bala ng baril.
Ang bag ay kabilang sa dala ng isang 47 anyos na HR manager at residente ng Lapu-Lapu City na papasakay sa kanyang flight patungong Tacloban.
Nabigo umano magpakita ng mga dokumento na nagpapahintulot sa kanya na magkaroon ng mga bala, na humahantong sa kanyang agarang pag -aresto ng mga tauhan ng PNP-AVSEGROUP.
Ayon sa PNP-AVSEGROUP mahaharap ang pasahero sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Comelec Gun Ban. | ulat ni AJ Ignacio