Photo courtesy of the SC Communications Office
Pinasinayaan ng Korte Suprema ang bagong Hall of Justice sa Dapa, Surigao del Norte.
Pinangunahan nina Chief Justice Alexander Gesmundo at Associate Justice Jose Midas Marquez ang inagurasyon ng gusali na magsisilbing tahanan ng RTC Branch 31 at MCTC Dapa-Socorro.
Matatandaan na napinsala ng Super Typhoon Odette noong 2021 ang lumang gusali kaya itinayo ang bagong korte sa Barangay 2, Dapa.
Pinuri ni Chief Justice Gesmundo ang dedikasyon ng mga kawani ng korte sa patuloy na paghahatid ng hustisya.
Kasabay ng inagurasyon, nagsagawa rin ng dayalogo ang punong mahistrado sa mga huwes at kawani upang talakayin ang kanilang pangangailangan.
Nilagdaan din ni Court Administrator Raul Villanueva ang Deed of Usufruct para sa 1,500 sqm na lote na paglalagyan ng gusali. | ulat ni Lorenz Tanjoco