Pormal nang umupo sa pwesto ang bagong pinuno ng Eastern Police District (EPD).
Pinangunahan ni National Capital Region Police Office Chief PMGen Anthony Aberin ang seremonya ng pag-upo sa pwesto ni PBGen Aden Tupas Lagradante bilang Officer-In-Charge ng EPD.
Pinalitan niya si PBGen Villamor Tulliao na tinanggal sa puwesto dahil sa pagkakasangkot ng kaniyang mga tauhan sa isang anomalya sa isinagawang operasyon sa Las Piñas City.
Sa kanyang talumpati, hinimok ni Lagradante ang mga pulis ng EPD na mamuhay nang may integridad at maglingkod sa kapwa nang may malasakit.
Inatasan din niya ang mga ito na tiyaking ligtas at maayos ang kanilang nasasakupan, lalo na’t papalapit na ang halalan. | ulat ni Diane Lear