Photo courtesy of Department of Agriculture
Tuloy-tuloy ang pinaigting na joint ‘Bantay Presyo market monitoring operations’ ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa buong National Capital Region.

Layon nitong masugpo ang overpricing sa mga palengke at maprotektahan ang mga consumer.
Tinututukan din ang pagpapatupad ng Maximum Suggested Retail Prices (MSRPs) partikular sa bigas at karne ng baboy.
Isa sa mga nangunguna sa ‘Bantay Presyo market monitoring operations’ ay si DA Assistant Secretary for Agribusiness. Marketing, and Consumers Affairs, Atty. Genevieve Guevarra.
Ayon kay Asec. Guevarra, target din ng kanilang pag-iikot ang maisulong ang kooperasyon sa mga vendor.
Hinimok naman nito ang retailers na isunod ang kanilang presyo sa mga panuntunan ng gobyerno, lalo na at bumaba na ang gastos sa delivery ng ilang produkto.
Kaugnay nito, hinikayat ng DA ang mga consumer na i-report direkta sa DA ang mga insidente ng overpricing o pang-aabuso sa presyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa