Nagpaalala ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga dayuhan na sundin ang mga batas na ipinatutupad sa Pilipinas habang nananatili sila rito.
Ginawa ng CIDG ang pahayag makaraang maaresto nila ang Russian Vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na binabatikos online dahil sa pambabastos nito sa Bonifacio Global City sa Taguig, para sa kaniyang content.
Ayon kay CIDG Director, Police Major General Nicolas Torre III, hinuli ng kanilang mga tauhan sa bisa ng mission order na kanilang natanggap mula sa Bureau of Immigration (BI).
Iginiit ni Torre, na itinuturing na “undesirable alien” ang naturang banyaga nang sinilbihan ng order sa isang hotel sa Pasay City.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Immigration ang naturang vlogger para sa kaukulang disposisyon. | ulat ni Jaymark Dagala