Nasa may 90 ongoing housing projects ang ginagawa ng pamahalaan habang ilan pa ang nakalinya sa pipeline na gawin sa hinaharap.
Ito ang inihayag ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro sa gitna ng tuloy-tuloy na pagtatayo ng Marcos Administration ng murang pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino Program (4PH).
Ayon kay Castro, bukod sa 90 kasalukuyang ginagawang housing projects ay nasa 82 proyekto ang kasalukuyang nasa pre-production stage habang umaabot sa 436 ang nasa estado ng pending proposals.
Mula sa 90 proyektong pabahay na ginagawa ngayon ay inaasahan sabi ni Atty. Castro na makalilikha ito ng 259,365 housing units.
Samantala ay hindi bababa sa 8,000 housing units ang inaasahang maitu-turn over ngayong taon. | via Alvin Baltazar