Inilunsad na sa Mindanao ang “Agri-Puhunan at Pantawid”
(APP) program ng Department of Agriculture.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mismong si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang nanguna sa inilunsad na programa.
Ito ay isang komprehensibong inisyatiba na nag-aalok ng pinansiyal at teknikal na tulong sa mga magsasaka .
Kabilang sa programa ang input credit access, at intervention monitoring cards.
May 2,000 magsasaka ang dumalo sa aktibidad na nagmula pa sa mga lalawigan ng Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat at South Cotabato.
Nakikita ni Tiu Laurel Jr. ang APP bilang potensiyal na game changer sa sektor ng pagsasaka, at may potensiyal na maging bankable at mapagkakakitaang investment venture sa agrikultura.
Sa ilalim ng programa, ang mga kuwalipikadong magsasaka ay tatanggap ng hanggang P60,000 na suporta, pinagsamang credit para sa farm inputs at buwanang allowance. | ulat ni Rey Ferrer