Mayroon nang Detailed Architectural and Engineering Design (DAED) ang New Senate Building (NSB) ayon kay Senate President Chiz Escudero.
Ito aniya ang unang pagkakataon na nagkaroon ng DAED o detalyadong plano ang ginagawang gusali ng senado.
Sinabi ni Escudero na napirmahan na niya ito kasama ang DPWH, mga contractor, at consultants ng NSB.
Sa susunod na linggo rin ay magkakaroon ng ceremonial signing sa mismong New Senate Building kung saan iimbitahan rin ang mga miyembro ng media para makita ang kasalukuyang estado ng konstruksyon.
Ayon sa senate leader, kung makikita ang gusali ay mapagtatantong hindi pa kakayaning lumipat sa bagong senate building ngayong taon. | ulat ni Nimfa Asuncion