Nakipagpulong si Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary and Ambassador-Designate to the State of Israel Aileen S. Mediola-Rau kay Tourism Secretary Cristina Frasco, upang pag-usapan ang ilang mga cooperation na magpapa-angat sa sektor ng turismo ng Pilipinas at Israel.
Isa sa napag-usapan sa pagpupulong ang ilang mga programa na magpapalaks ng turismo ng dalawang bansa tulad ng gastronomy tourism, at ang pagpapalitan ng tourism products ng dalawang bansa.

Ayon naman kay Tourism Secretary Christina Frasco, isang malaking indikasyon ito para sa maayos na kooperasyon ng dalawang bansa pagdating sa turismo.
Tiniyak din ng kalihim, na patuloy na committed ang Department of Tourism sa pagsuporta nito sa naturang bansa. | ulat ni AJ Ignacio