Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (DSWD-4Ps) ang music video para sa voter’s education campaign.
Nilalayon nitong i-promote ang malaya at patas na pagboto para sa May 12 midterm elections.
Tinawag na “Botanteng 4Ps Para sa Bayan,” ang voter’s education campaign.
Makakatulong aniya ito na itaas ang kaalaman ng mga 4Ps grantees sa proseso ng pagboto at hikayatin ang mga ito na aktibong sumali upang protektahan ang integridad ng halalan.
Ayon kay Director Gemma Gabuya, 4Ps National Program Manager, ang kampanyang ito ng ahensya ay naka-angkla sa “Active Citizenship” module upang turuan ang mga benepisyaryo sa kanilang monthly family development sessions (FDS).
Ang music video ay inilabas sa 4Ps official Facebook sa programang “3M core message” na ‘Magbantay, Makialam, at Makilahok.’
Hinimok pa ng DSWD , ang mga concerned citizens na i-report ang mga kaso ng pamumulitika sa 4Ps text hotline no. 0918-912-2813. | ulat ni Rey Ferrer