Nakatakda nang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nationwide information campaign na tinaguriang ‘Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon.’
Magpapalakas ito sa ahensya sa paglaban sa misinformation at disinformation sa mga programa at serbisyo ng ahensya.
Paliwanag ni Director Clarissa Lara Duran ng Public Relations Service, ang ‘Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon’ ay layong pangalagaan ang publiko mula sa mga unscrupulous individual na patuloy na nagsasamantala sa mga pangangailangan ng mahihirap na sektor.
Pangungunahan ng departamento at field offices nito ang mga information caravan para turuan ang publiko kung paano at saan maa-access ang tumpak at beripikadong impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng DSWD. | ulat ni Rey Ferrer