Nakataas na ang heightened alert status sa lahat ng unit ng Philippine National Police (PNP) ngayong Semana Santa upang matiyak ang seguridad ng publiko.
Sa command conference sa Camp Crame, binigyang-diin ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagpapalakas ng police visibility at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Inatasan ni Marbil ang mga pulis na bantayan ang mga krimeng gaya ng pagnanakaw at akyat-bahay, lalo na’t maraming pamilya ang magbabakasyon.
Kasabay nito, iniutos ni Gen. Marbil ang mahigpit na pagpapatupad ng gun ban at ang mas mahigpit na koordinasyon sa mga opisyal ng barangay, mga tanod, at mga private security sa mga subdivision at establisimyento para maagapan ang mga banta sa seguridad.
Tiniyak ng PNP ang commitment nito na panatilihing mapayapa at maayos ang paggunita ng Mahal na Araw.