Pinagpapaliwanag na ng Office of the Ombudsman ang dalawang opisyal ng Municipal Environment and Natural Resouces Office (MENRO) ng General Tinio, Nueva Ecija kaugnay sa isinampang kaso laban sa kanila ng dalawang truck driver na nakaranas ng pang-aabuso.
Binigyan lamang ng sampung araw sina MENRO Raul Coros, at Assistant MENRO Lopez dela Cruz, para maghain ng kanilang counter affidavit sa kautusan na pirmado ni Deputy Ombudsman for Luzon Director Margie Fernandez-Calpatura.
Inireklamo nina Eric Caballero at Catalino Busalpa ang dalawang MENRO officials ng mga kasong Kriminal at Administratibo, Dishonesty, Grave Misconduct, Grave Abuse of Authority, Oppression and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, Perjury at Violation of Section 3(e), RA 3019.
Matatandaan na humingi ng tulong ang dalawang truck driver matapos akusahang sangkot sa illegal quarry operation sa General Tinio.
Hinuli sila at kinumpiska pa ang kanilang truck pero sa kalaunan ay ibinalik din sa kanila. | ulat ni Rey Ferrer