Nagkaloob ang Australian Government ng 34 milyong pisong halaga ng drones at training para sa Philippine Coast Guard ngayong araw, Abril 8, sa Mariveles, Bataan.
Kasama sa donasyon ang 20 high-tech aerial drones na magpapalakas sa kakayahan ng PCG sa pagbabantay ng karagatan at pagtugon sa mga operasyon sa maritime jurisdiction ng bansa.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinatibay na Strategic Partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Ayon kay PCG commandant admiral Ronnie Gil Gavan, di hamak na mas makabago ang drone na ito kumpara sa mga gamit ng iba bansa.
Ayon pa kay Admiral Gavan, malaking tulong ito sa pagiging responsableng tagapangalaga ng karagatan ng bansa.
Ayon naman kay Ambassador Yu, ito’y patunay ng matibay na suporta ng Australia sa modernisasyon ng PCG.
Sa kabuuan, umaabot sa P649-M ang ilalaang suporta ng Australia sa civil maritime cooperation ng Pilipinas mula 2025 hanggang 2029. | ulat ni Lorenz Tanjoco