Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Blue Alert status kaugnay ng paggunita ng mga Semana Santa.
Batay sa Memorandum No. 082, s. 2025 , epektibo ang Blue Alert status sa buong bansa mula April 12 hanggang April 21, 2025.
Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang insidente o emergency na maaaring mangyari habang maraming mamamayan ang inaasahang uuwi sa kanilang mga probinsya o dadalo sa mga religious activity.
Sa ilalim ng Blue Alert status, nakahanda ang 50 percent ng mga tauhan ng mga ahensyang kasapi ng NDRRMC upang agad tumugon sa anumang insidente sa nabanggit na okasyon. | ulat ni Jaymark Dagala