Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros ang mahigpit na pagtutulungan ng mga gobyerno ng mga bansang kasapi ng Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN) para masugpo ang mga online scam hubs.
Ito ay sa gitna ng paglaganap ng mga scam hubs sa mga bansa sa Southeast Asia gaya ng Pilipinas.
Giit ni Hontiveros, hindi kayang mag-isa ng gobyerno ng Pilipinas ang paglaban sa mga scam hubs.
Isa aniya itong transnational problema na kailangan nito ng transnational response.
Sinabi ng Senadora na dapat pangunahan ng ASEAN ang pagconvene sa mga member states nito na bumuo ng code of conduct para sa crackdown ng mga scam compounds, pag rescue ng mga human trafficking victims at pagpapanagot ng mga transnational criminals.
Dapat rin aniyang magkasundo ang mga gobyerno sa ASEAN para maituring na biktima ang mga human trafficking victims.
Umapela rin si Hontiveros sa mga bansang gaya ng US, Germany, UK, Australia at iba pa na makipagtulungan sa ASEAN sa paglaban sa mga scam hubs. | ulat ni Nimfa Asuncion