Pinagpapaliwanag muli ng Commission on Elections o COMELEC si Pasig City Congressional Candidate Atty. Christian Sia matapos ang panibagong insidente ng diskriminasyon at gender-based harassment.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Sia sa isang campaign rally noong April 3 patungkol sa body size ng kaniyang babaeng staff, na tinawag niyang mataba na ayon sa COMELEC ay may paglabag sa Anti-Discrimination and Fair Campaigning.
Binigyan lamang ng COMELEC ng 3 araw si Sia para mabigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng COMELEC.
Kung hindi makakapagpaliwanag, sabi ng COMELEC, posibleng masampahan ng election offense at humantong sa disqualification ngayong eleksyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco